P.S. Ilagay mo na sa kaliwa ang iyong email address para mapadalhan ka ng mensahe ni Lolo Barbers!!!!
Martes, Hunyo 12, 2012
ALAMAT NI LOLO BARBERS: ALAMAT NG SIGA
Heto pa ang Alamat ni Lolo Barbers na hindi mo makikita sa YouTube!!! Ang Alamat ng Siga, enjoy!!!
Linggo, Hunyo 10, 2012
REAKSYON NI LOLO BARBERS SA PACQUIAO VS. BRADLEY
Hindi ito isang alamat ni Lolo Barbers, pero reaksyon nya ito sa naganap na laban ni Pacquiao at Bradley.
P.S. Ilagay mo na ang email mo para makatanggap ng mensahe mula kay Lolo Barbers!
Lunes, Hunyo 4, 2012
Alamat ng Utot - Alamat ni Lolo Barbers
Pakinggan mo ito, damuho ka, kung ikaw ay naaliw sa Alamat ni Lolo Barbers, narito ang alamat ng UTOT, wala nito sa YouTube!!!
P.S.
Abangan mo ang iba pang mga alamat na hindi mo makikita o maririnig sa ibang websayt!!!
P.S.2
Ilagay mo na ang iyong email sa bandang itaas, sa kaliwang bahagi ng blog na ito para maaliw sa mga mensahe ni Lolo Barbers!
P.S.P.
Luma na to, gusto ko Nintendo Wiiwii
Linggo, Hunyo 3, 2012
ANG ALAMAT NG ALAMAT
Para sa mga hindi nakapakinig ng aking huling alamat na ikinuwento sa radyo, heto at pakinggan ninyo ang alamat ng ALAMAT!
Magandang panimula ito para sa mga bagong alamat na ikukuwento ko naman sa Blog na ito kaya abangan!
P.S.
Ilagay mo na sa kaliwa sa bandang itaas ang iyong email address para maaliw ka sa aking mga mensahe!
P.S.P.
Paborito ko ito dati kaso naka aypad na ako nyehehehehe
Magandang panimula ito para sa mga bagong alamat na ikukuwento ko naman sa Blog na ito kaya abangan!
P.S.
Ilagay mo na sa kaliwa sa bandang itaas ang iyong email address para maaliw ka sa aking mga mensahe!
P.S.P.
Paborito ko ito dati kaso naka aypad na ako nyehehehehe
Biyernes, Hunyo 1, 2012
ANG ISTORYA NI LOLO BARBERS: ISANG ALAMAT (IKALAWANG YUGTO)
Si Barbers ay tinuli sa
pamamagitan ng pukpok sa edad na 17. Maso nga ang ginamit sa kanya, ayon mismo
sa nagtuli sa kanyang si Tata Lito. Ayon pa dito, nalunok daw ni Barbers ang
dahon ng bayabas na ilalagay sana sa kanyang kwan. Pero okay lang naman daw ang
lasa dahil may baong asin si Barbers. Pagkahilom ng kanyang kwan at naging
ganap nang binata si Barbers, nagsimula na ang hiwagang bumabalot sa kanyang
katauhan. Naging sobrang habulin sya ng chicks. Lahat ng dalaga sa kanilang
baryo ay kinikilig kapag dumaraan si Barbers. Ang kanyang kakisigan ay kumalat
hanggang sa kabilang baryo at naging usap usapan din maging sa kabilang bayan.
Ayon sa mga haka-haka, tanging si Tata Lito lang ang nakakaalam kung bakit
habulin ng chicks si Lolo Barbers. Pero sa kasamaang palad, pumanaw na rin si
Tata Lito matapos na hindi mag survive sa isang operasyon na ginawa sa kanyang
ikawalumpung kaarawan. Ang tawag daw sa operation ay circumcision.
Sa dami ng babaeng
nahumaling kay Barbers, ang kanyang napili bilang maging asawa ay isang
dalagang nagngangalang Balbastra Gregorya Pantalan o Jenny, nickname nito.
Hindi kasi katulad ng ibang babae, si Jenny ay napakayumi, balot na balot
palagi ang katawan ng baro’t saya kahit mamimitas lamang ng upo. Kaya naman
gigil na gigil sa kanya si Barbers, este, giliw na giliw pala. Nakasal sila
kahit tutol ang mga magulang ni Jenny. Nagkaroon sila ng limang anak na mayroon
nang sari-sariling buhay sa ngayon. Ayon na rin sa kahilingan ni Lolo Barbers,
panatilihin na lamang daw pribado ang tungkol sa kanyang mga anak at apo.
Samantala, ang pagsasama nina Lolo Barbers at Lola Jenny ay tumagal nang
matagal na panahon hanggang sa pumanaw si Lola Jenny.
Ganito iyon, ayon mismo
sa kuwento ni Lolo Barbers: noong ikaapatnapung anibersaryo nina Lolo Barbers
at Lola Jenny, kumain sila sa isang restawran. Nabulunan si Lola Jenny sa
kinain nitong bulalo. Pero hindi ito ang kanyang ikinamatay. Natanggal din ang
bara sa lalamunan nito matapos dagukan ni Lolo Barbers. Pagkatapos nilang
kumain, umuwi sila sakay ng kalesa ngunit sa kasamaang palad, nahulog si Lola
Jenny. Hindi rin ito ang ikinamatay nya. Napilayan lang sya at nakauwi naman.
At lumipas pa ang dalawampung taon, natuklasan na lang ni Lolo Barbers si Lola
Jenny sa kanilang kama na hindi na ito humihinga. Hindi ito binangungot.
Namatay ito dahil sa katandaan.
Sa ngayon, si Lolo
Barbers ay isang binata. Pero hindi na siya available dahil may girlfriend na
siya, si Natasha: isang Fil-Am na nakilala ni Lolo Barbers pagkatapos niyang
ma-wrong number noong nagpadeliver sya sa isang sikat na fast food chain.
Naging phone pals sina Natasha at Lolo Barbers ng tatlong buwan hanggang sa
magkayayaan silang mag-date. Sa Baywalk dinala ni Lolo Barbers si Natasha para
manood ng fireworks display. Sa kalagitnaan ng putukan at pailaw, tinanong ni
Lolo Barbers si Natasha, “Hey Natasha, that is very beautiful right? Tayo na
ba?”. Sumagot naman si Natasha nang “Oh yes!”. At magmula noon, naging syota na
ni Lolo Barbers si Natasha. Going strong daw ang kanilang relasyon pero wala pa
sa isip nila ang pagpapakasal.
Pagdating naman sa
karera (career ha, hindi ng kabayo), si Lolo Barbers ay maaaring tawaging “jack
of all trades”. Ibig sabihin, halos lahat na yata ng larangan ay pinasok nito.
Valedictorian sya nang magtapos ng elementarya. Walong taon sya sa high school
dahil ayon sa kanya, gusto nya daw matutunan ang lahat ng detalye ng kanyang
mga aralin. Pero may mga haka-haka rin na nagka-cutting classes kasi sya kaya
lagi syang pabalik balik ng year level. Pagtungtong naman ng kolehiyo, nag aral
ng medisina si Lolo Barbers. Pagkatapos ng tatlong taon, nag shift sya sa Law.
Nang malapit nang matapos ng Abogasya, napagtanto nyang hindi para sa kanya ang
pagiging abogado. Kaya naman nag shift sya sa Astronomy dahil pangarap nyang
maging astronaut. Matapos ang isang taon, natuklasan nya na mahal pala ang
gamit ng mga astronaut kaya itinigil na nya ito. Nag-aral na lang sya ng
Mechanical Engineering pero pagkatapos ng isang taon, lumipat na lang sya ng
Architecture dahil mahilig din syang mag-drawing. Hindi na sya nag board exam
dahil napanaginipan nya na ang kurso pala na para sa kanya ay Philosophy.
Pilosopo kasi sya. At tinapos nya ito sa loob lamang ng isang taon. Sobrang
bilib ng kanyang mga propesor kaya accelerated sya sa lahat ng subjects nya.
Wala kasing manalo sa kanya ni isang propesor pagdating sa debate. Wala namang
reklamo ang mga magulang ni Barbers dahil self-supporting ito noong nag-aaral.
May sarili kasing business si Lolo Barbers noong binata pa lamang ito. Hanggang
ngayon, patok na patok at mabentang-mabenta pa rin ang kanyang itlog. May
kwek-kwek stand kasi siya at hindi ito nauubusan ng customers. May mga
usap-usapan na biniyayaan si Lolo Barbers ng anting-anting ng isang ermitanyo
na siyang dahilan kung bakit swerte ang kanyang negosyong itlugan.
Subalit dahil na-bored
na si Lolo Barbers sa kanyang itlog, este, sa kanyang kwek-kwek-an, pinatauhan
na lamang nya ang kanyang negosyo at sinubukang mag-audition bilang DJ sa
93.9iFM. Narinig kasi nya na naghahanap ito ng bagong disc jockey kaya
sinubukan ang kanyang swerte. Pagdating sa istasyon, may nakita syang isang
babaeng kagagaling lamang sa audition na umiiyak. Hindi pala ito nakapasa.
Kinausap ito ni Lolo Barbers at maya-maya pa ay humahalakhak na ang babae.
Nakita iyon ng station manager ng 93.9iFM at kinausap si Lolo Barbers. “Ikaw
ang hinahanap namin Lolo! Kukunin po naming kayong DJ”. “Bakit, dahil ba
sa ako’y gwapo? Hindi ko yata matatanggap na dahil lamang sa pisikal kong
katangian kung kaya ninyo ako tatanggapin!”, ang sagot ni Lolo Barbers. Sabi ng
station manager, “Hindi po, Lolo, kaya ninyo po kasing magpatawa ng tao kahit
umiiyak na. Dahil po dito, hired na po kayo”. Ang sagot ni Lolo Barbers: “Weh,
ilong mo may asin!”.
P.S.
Ang pangalan nga pala ng
babaeng umiiyak at pinatawa ni Lolo Barbers ay Geraldine. Sya ang babaeng
pinaghihinalaan ni Natasha na ka-fling ni Lolo Barbers. Pero walang katiyakan
kung totoo nga ito.
P.S.2
Ilagay mo na ang email mo sa itaas na bahagi ng blog na ito sa bandang kaliwa para mapadalhan ka ng mga espesyal na mensahe mula kay Lolo Barbers. Wag mong sabihing hindi mo makita kung saan mo ilalagay ang email mo, gamitin mo lamang ang iyong mata.
P.S.P.
Dating paboritong laruin ni Lolo Barbers pero di na ngayon. May ipad na sya. Ipad10. Hindi pa ito nailalabas sa US, wag mo akong tanungin kung saan nakabili si Lolo Barbers dahil hindi ko rin alam --(editor)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)