Huwebes, Nobyembre 8, 2012
PAANO MO MALALAMAN NA MALIKOT KANG MATULOG?
Mga damuho! Kamusta na ang inyong naging mahabang bakasyon? Siguro naman e nakangiti ka ngayon kasi ngayon may pera ka na, hindi katulad noong walang pasok, wala ring anda no? Nga-nga!
Malapit na ang Pasko! Sigurado akong mapupuno na naman ng mga palamuting pamasko ang mga mall at mga tyangge. Pero damuho ka, dapat e malinaw sa iyo ang tunay na dahilan kung bakit ka bibili ng mga aginaldo at makikisiksik (kahit may amoy anghit) sa mga bilihan.
Para naman matuwa ka ngayon, narito ang mga kasagutan sa nagtanong sa akin. Kung paano raw ba malalaman na malikot kang matulog:
1. Paggising mo may suot kang gloves. Maaari kasing nananapak ka kapag natutulog e, dapat namang proteksyunan ng mga katabi mo ang mga sarili nila, damuho ka!
2. Paggising mo nakatali ka na. Napanood mo ba yung "The Excoscissorhands" ba yon? Baka naman parang nasapian ka kapag natutulog!
3. Paggising mo nasa kulungan ka na ng aso nyo. Maaaring naakit ka sa kasing amoy mo habang natutulog ka!
Yan lamang damuho, patuloy kang ngumiti, ito ang pinamainam at pinamurang paraan para gumanda at gumuwapo, tulad ko.
Ilong mo may asin,
Lolo Barbers
P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.
Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.
Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)