Linggo, Setyembre 16, 2012

ILANG PAMAHIING ANG SARAP BASAGIN


1. Una sabi ng matatanda, mas matanda pa sa akin ha, bawal daw magwalis nang palabas dahil lalabas daw ang swerte. Anak ng kamoteng may asin, e di walisin mo papasok lahat ng dumi sa bahay nyo, idamay mo na yung dumi sa kalsada, tingnan ko lang kung mag enjoy ka sa dami ng duming maiipon mo sa bahay!

2. Kapag marami ang binibinyagan, kelangan daw unahan mong ilabas ang baby mo sa mga kasabay nyang binyagan para suwertehin ka at yung baby mo. Linsyak yan, pano kung madapa ka sa pagmamadali? E di malas ang inabot mo, idadamay mo pa yung baby mo, damuho!


3. Eto sikat na sikat ito, wag daw isusuot ang traje de boda bago ang araw ng kasal. Sabi ng mga nakakatanda (kesa sa akin ha) malas daw ito at di matutuloy ang kasal.

E paano kung gustong makasiguro ng babae na ayos ang sukat ng gown sa kanya bago ang araw ng kasal nya? Paano kung may adjustment pa palang dapat gawin, di ba? May kilala akong ganyan, nung kinasal sya hindi sukat sa kanya, puro aspile ung gown. Umiiyak yung bride nung naglalakad sya. Akala ng mga tao sa simbahan nagdadrama yung babae, yun pala natutusok na sya ng mga aspile. Pagdating tuloy ng honeymoon nila ng asawa nya, polka dots ang katawan nya! (Paano ko nalaman na polka dots? Secret hehehehe.


4. Pagkatapos ng kasal, pag unang pumasok ng bahay si misis, magiging under si mister. Kaya dapat daw unahan ng lalaki ang babaeng makapasok sa kanilang bahay. Tingnan mo, napakalaking kahunghangan nito, aba e bagong kasal pa lang pag aawayin na kaagad?

5. Dapat daw iipit sa libro ang unang gupit ng buhok para tumalino ang bata. Parang gusto ko maniwala dito kasi sabi ng nanay ko inipit daw nya yung pinaggupitan ng buhok ko sa Philippine History na libro.

Ayun kapag nag-aaway kami ng gerlpren ko, si Natasha, lagi nya sinasabi sakin palagi ko daw binabalik yung nakaraan!

Yan lang muna, mga damuho't damuha, hanggang sa susunod! Ilong nyo may asin!

P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento