Lunes, Oktubre 8, 2012

PAANO MO MALALAMAN NA SINTUNADO KANG KUMANTA?


Maraming mga ungas na banat pa rin nang banat sa pagkanta kahit ayaw naman sila ng kanta. Napag-alaman ng mga siyentipiko na ito ay sanhi ng tinatawag na pagiging bingi sa tono o tone deaf sa Ingles, alam mo ba yun damuho ka?

Ibig sabihin , hindi alam ng mga gunggong na kumakanta na sintunado na pala siya. Kadalasan, hindi ito masabi sa iyo ng iyong mga kasamahan dahil nahihiya sila sa iyo, lalo na kung ang sintunadong kumakanta e ang mismong boss ng kumpanya.

Narito ang ilang palatandaan na sintunado kang kumanta kahit hindi sinasabi sa iyo nang direkta:

1. Una laging ikaw ang "special number" sa opisina o trabaho nyo, yung tipong pang-finale at lahat sila ay halos mautot na sa kapipigil ng tawa habang kumakanta ka.

2. Pangalawa, pagkatapos mong kumanta sinabihan kang "ang galing mong sumayaw!".

3. Pag paikot ang kumakanta sa videoke pero nag skip nung ikaw na dapat ang kakanta, alams na.

Yan lang muna.

Ilong mo may asin,

Lolo Barbers

P.S.

Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento