Huwebes, Nobyembre 8, 2012

PAANO MO MALALAMAN NA MALIKOT KANG MATULOG?


Mga damuho! Kamusta na ang inyong naging mahabang bakasyon? Siguro naman e nakangiti ka ngayon kasi  ngayon may pera ka na, hindi katulad noong walang pasok, wala ring anda no? Nga-nga!

Malapit na ang Pasko! Sigurado akong mapupuno na naman ng mga palamuting pamasko ang mga mall at mga tyangge. Pero damuho ka, dapat e malinaw sa iyo ang tunay na dahilan kung bakit ka bibili ng mga aginaldo at makikisiksik (kahit may amoy anghit) sa mga bilihan.

Para naman matuwa ka ngayon, narito ang mga kasagutan sa nagtanong sa akin. Kung paano raw ba malalaman na malikot kang matulog:

1. Paggising mo may suot kang gloves. Maaari kasing nananapak ka kapag natutulog e, dapat namang proteksyunan ng mga katabi mo ang mga sarili nila, damuho ka!

2. Paggising mo nakatali ka na. Napanood mo ba yung "The Excoscissorhands" ba yon? Baka naman parang nasapian ka kapag natutulog!

3. Paggising mo nasa kulungan ka na ng aso nyo. Maaaring naakit ka sa kasing amoy mo habang natutulog ka!

Yan lamang damuho, patuloy kang ngumiti, ito ang pinamainam at pinamurang paraan para gumanda at gumuwapo, tulad ko.

Ilong mo may asin,

Lolo Barbers

P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...


Lunes, Oktubre 22, 2012

BWISET!!!


Kamusta na mga damuho! Matagal-tagal din akong hindi nakapagtipa sa aking makinilya, nami-miss ko na, panay kasi pagsasarili ang inaabala ko e. Oh, wag kang mag-isip nang marumi damuho ka! Nag-iisa ako kasi bumalik ng bansa nya si Natasha, yung gerlpren ko para bumili ng tsokolate, ayaw nya raw ng mga tsokolate dito sa Pilipinas e, damuha yon, masyadong pihikan. Babalik daw sya bago mag-Pasko.

Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayong wala kang pasok? Teka para sa mga nag-aaral itong tanong ko ha! Kung hindi ka nag-aaral at hindi ka naman nagtatrabaho aba e talagang wala ka ngang pasok! Ipasok mo na lang ang cotton buds sa tenga mo!

Wala lang, napag isip isip ko lang na may mga sitwasyon na mapapasigaw ka na lang ng "bwiset"!  Eto basahin mo para matuwa naman ang ilong mo:

MGA SITWASYON NA MAPAPASABI KA NA LANG NG "BWISET"

1. Gusto ka ng magulang, mga kamag anak, kaibigan pati aso ng nililigawan mo pero binasted ka nya, mukha ka raw kasing aso! Bwiset!

2. Tumama sa lotto ang numerong tinatayaan mo simula pa noong tinedyer ka pero hindi ka nakabili ng tiket. Bwiset!

3. Tumama ka sa lotto pero nabitawan mo yung tiket at nahulog sa kanal. Bwiset!

4. Pinakyaw lahat ng customer yung paninda mo sabay sabing "holdap to!". Bwiset!

5. Wala kang pasok, ang dami mong oras para matulog at gumala. Pero wala ka ring pera dahil wala kang baon o allowance. Bwiset!

O yan ngumit ka naman para mabawasan ang pagkabwiset mo.

Ilong mo may asin,

Lolo Barbers

P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...

Lunes, Oktubre 8, 2012

PAANO MO MALALAMAN NA SINTUNADO KANG KUMANTA?


Maraming mga ungas na banat pa rin nang banat sa pagkanta kahit ayaw naman sila ng kanta. Napag-alaman ng mga siyentipiko na ito ay sanhi ng tinatawag na pagiging bingi sa tono o tone deaf sa Ingles, alam mo ba yun damuho ka?

Ibig sabihin , hindi alam ng mga gunggong na kumakanta na sintunado na pala siya. Kadalasan, hindi ito masabi sa iyo ng iyong mga kasamahan dahil nahihiya sila sa iyo, lalo na kung ang sintunadong kumakanta e ang mismong boss ng kumpanya.

Narito ang ilang palatandaan na sintunado kang kumanta kahit hindi sinasabi sa iyo nang direkta:

1. Una laging ikaw ang "special number" sa opisina o trabaho nyo, yung tipong pang-finale at lahat sila ay halos mautot na sa kapipigil ng tawa habang kumakanta ka.

2. Pangalawa, pagkatapos mong kumanta sinabihan kang "ang galing mong sumayaw!".

3. Pag paikot ang kumakanta sa videoke pero nag skip nung ikaw na dapat ang kakanta, alams na.

Yan lang muna.

Ilong mo may asin,

Lolo Barbers

P.S.

Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...

Miyerkules, Oktubre 3, 2012

ANG BAUL NI LOLO BARBERS

Hoy damuho!


Tulad ng ipinangako ko sa yo, kapag ikaw ay nagsubscribe at ibinigay mo ang iyong i-meyl adres, matatanggap mo ang aking regalo sa iyo kahit wala pang pasko, ang aking baul na naglalaman ng ilang bagay na maaari mong i-download katulad ng:
1. Libreng ringtone na pwede mong ilagay sa iyong cellphone. Hindi ko na problema kung wala kang cellphone ha, damuho ka!
2. Mga alamat na maaari mong i-download at ilagay sa iyong MP3 player o sa cellphone din.
Napakadali lamang ng iyong gagawin, ilalagay mo lamang ang iyong pangalan at i-meyl adres sa espasyo sa gawing  kaliwa ng bilog na ito, o kahit sa ibaba. Kapag ginawa mo iyan, padadalhan kita ng sulat at nakalagay doon ang link ng aking baul.
Maaari mong balik-balikan ang link na iyon dahil dadagdagan ko pa ang laman ng aking baul sa mga darating na araw!
Ilong mong may asin,
Lolo Barbers

Linggo, Setyembre 30, 2012

MGA HAYOP NA FOREIGNER!


Napansin ko laang na may ilang hayop na lumilkha ng magkaibang tunog kahit magkaparehong uri naman sila. Napansin mo rin ba ito?

Ang PINOY NA ASO, kapag kumahol: AW! AW! AW! AW!

Pero kapag FOREIGNER NA ASO ang kumakahol ganito ang tunog: ARF! ARF! ARF! ARF!

Kapag PINOY NA PALAKA ang nag-iingay, ganito ang tunog: KOKAK! KOKAK! KOKAK!

Pero kapag PALAKA SA IBANG BANSA: RIB-IT! RIB-IT! RIB-IT!

Kapag PINOY NA BAKA ang umaatungal, ganito ang tunog: UNGAAAAA!!!! UNGGAAA!!!!

Kapag FOREIGNER NA BAKA ang lumikha ng tunog: MOOOOOO!!! MOOOO!!!!

Kapag PINOY NA IBON ang sumiyap, ganito ang tunog: TWIT TWIT TWIT!!!

Pero pag MERKANONG IBON: CHIRP CHIRP CHIRP!!!

Isang hayop lang ang napansin ko na kahit saang bansa magmula ay iisa lamang ang tunog: BIBE! KWAK KWAK KWAK 

Nguso mo, parang nguso ng bibe,

Lolo Barbers


P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...

Miyerkules, Setyembre 26, 2012

PAANO MO MALALAMAN NA MAY BAD BREATH KA?


Madalas kasi hindi nalalaman ng isang tao na may bad breath sya. Kaya naman narito ang ilang palatandaan na maantot nga ang iyong hininga:

1. Noong bertday mo pinigilan kang mag blow the candle, hinayaan na lang matunaw ang kandila sa cake  mo.

2. Noong minsang naghelmet bago magmotor, hinimatay ka bigla. Nagising ka na lang sa ospital at tinanong mo ang nasa paligid, "Ano nangyari?". Sinabi nila sa yo, "Nawalan ka ng malay bro."

3. Pati kausap mo sa celfone hinimatay. 

Ilong mo may asin,

Lolo Barbers



P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...

Linggo, Setyembre 23, 2012

Alamat ng Ulan

Mga damuho! Kamusta na kayo? Ngayong nag-uuulan, minarapat kong balikan para sa inyo ang alamat ng ULAN!



Abangan ninyo ang mga susunod pang mga bagong alamat. Abangan din ang paglabas ng aking libro!

Ilong mo may asin,

Lolo Barbers


P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...

Linggo, Setyembre 16, 2012

ILANG PAMAHIING ANG SARAP BASAGIN


1. Una sabi ng matatanda, mas matanda pa sa akin ha, bawal daw magwalis nang palabas dahil lalabas daw ang swerte. Anak ng kamoteng may asin, e di walisin mo papasok lahat ng dumi sa bahay nyo, idamay mo na yung dumi sa kalsada, tingnan ko lang kung mag enjoy ka sa dami ng duming maiipon mo sa bahay!

2. Kapag marami ang binibinyagan, kelangan daw unahan mong ilabas ang baby mo sa mga kasabay nyang binyagan para suwertehin ka at yung baby mo. Linsyak yan, pano kung madapa ka sa pagmamadali? E di malas ang inabot mo, idadamay mo pa yung baby mo, damuho!


3. Eto sikat na sikat ito, wag daw isusuot ang traje de boda bago ang araw ng kasal. Sabi ng mga nakakatanda (kesa sa akin ha) malas daw ito at di matutuloy ang kasal.

E paano kung gustong makasiguro ng babae na ayos ang sukat ng gown sa kanya bago ang araw ng kasal nya? Paano kung may adjustment pa palang dapat gawin, di ba? May kilala akong ganyan, nung kinasal sya hindi sukat sa kanya, puro aspile ung gown. Umiiyak yung bride nung naglalakad sya. Akala ng mga tao sa simbahan nagdadrama yung babae, yun pala natutusok na sya ng mga aspile. Pagdating tuloy ng honeymoon nila ng asawa nya, polka dots ang katawan nya! (Paano ko nalaman na polka dots? Secret hehehehe.


4. Pagkatapos ng kasal, pag unang pumasok ng bahay si misis, magiging under si mister. Kaya dapat daw unahan ng lalaki ang babaeng makapasok sa kanilang bahay. Tingnan mo, napakalaking kahunghangan nito, aba e bagong kasal pa lang pag aawayin na kaagad?

5. Dapat daw iipit sa libro ang unang gupit ng buhok para tumalino ang bata. Parang gusto ko maniwala dito kasi sabi ng nanay ko inipit daw nya yung pinaggupitan ng buhok ko sa Philippine History na libro.

Ayun kapag nag-aaway kami ng gerlpren ko, si Natasha, lagi nya sinasabi sakin palagi ko daw binabalik yung nakaraan!

Yan lang muna, mga damuho't damuha, hanggang sa susunod! Ilong nyo may asin!

P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...



Linggo, Hulyo 22, 2012

MAY BAGONG PAKULO SI LOLO BARBERS!

Na-miss mo ba aketch? Este, ako? Nahawa na tuloy ako kay Wendell! Hayupak na yan. Ang gusto ko lang sabihin sa yo e eto: pwede mo ulit marinig si Lolo Barbers at ang mga bago kong pakulo sa mga darating na araw. Sa ngayon, kung gusto mo akong palaging marinig, pwede na lalo na kung ikaw ay SMART, hindi matalino ha! Yung sa cellphone, kung Ismart Subskrayber ka, aba e pwede mo ako palaging marinig, ganito lang ang gagawin mo:

Text Lolo to 8970  ( for Smart subscribers only.)

Yan muna, saka na yong iba. Pansamantala, balikan mo ang isa pang Alamat ni Lolo Barbers, ang alamat ng NOTEBOOK!


P.S.
Kung gusto mong marinig ang tinig ko araw araw pati na ng mga kaibigan mo, text mo lang ang Lolo to 8970  ( for Smart subscribers only.)


P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...



Miyerkules, Hulyo 11, 2012

ALAMAT NG SINGSING

Hoy mga damuho! Kamusta na kayong lahat? Narinig mo na ba itong alamat ng singsing? Balikan mo ulit para maaliw ka naman ngayong araw na ito!




P.S.
Syanga pala, kung hindi mo naman mamasamain, at gusto mo akong madalas na makaututang dila, ilagay mo lang ang iyong pangalan at ang iyong i-meyl adres sa bandang itaas ng blog na ito.

Kapag inilagay mo ang iyong email at napadadalhan na kita ng mensahe, mapapasa-iyo ang aking baul na naglalaman ng mga alamat na maaari mong i-download at pakinggan paulit-ulit sa iyong cellphone. May kasama rin itong ringtone na maaari mong magamit. Lahat ng ito ay LIBRE! Kaya ilagay mo na ang iyong pangalan at i-meyl adres.


Kung wala kang cellphone, hindi ko na problema yon damuho ka...


Martes, Hunyo 12, 2012

ALAMAT NI LOLO BARBERS: ALAMAT NG SIGA

Heto pa ang Alamat ni Lolo Barbers na hindi mo makikita sa YouTube!!! Ang Alamat ng Siga, enjoy!!!
 P.S. Ilagay mo na sa kaliwa ang iyong email address para mapadalhan ka ng mensahe ni Lolo Barbers!!!!

Linggo, Hunyo 10, 2012

REAKSYON NI LOLO BARBERS SA PACQUIAO VS. BRADLEY

Hindi ito isang alamat ni Lolo Barbers, pero reaksyon nya ito sa naganap na laban ni Pacquiao at Bradley.
 P.S. Ilagay mo na ang email mo para makatanggap ng mensahe mula kay Lolo Barbers!

Lunes, Hunyo 4, 2012

Alamat ng Utot - Alamat ni Lolo Barbers

Pakinggan mo ito, damuho ka, kung ikaw ay naaliw sa Alamat ni Lolo Barbers, narito ang alamat ng UTOT, wala nito sa YouTube!!! P.S. Abangan mo ang iba pang mga alamat na hindi mo makikita o maririnig sa ibang websayt!!! P.S.2 Ilagay mo na ang iyong email sa bandang itaas, sa kaliwang bahagi ng blog na ito para maaliw sa mga mensahe ni Lolo Barbers! P.S.P. Luma na to, gusto ko Nintendo Wiiwii

Linggo, Hunyo 3, 2012

ANG ALAMAT NG ALAMAT

Para sa mga hindi nakapakinig ng aking huling alamat na ikinuwento sa radyo, heto at pakinggan ninyo ang alamat ng ALAMAT!



Magandang panimula ito para sa mga bagong alamat na ikukuwento ko naman sa Blog na ito kaya abangan!

P.S.
Ilagay mo na sa kaliwa sa bandang itaas ang iyong email address para maaliw ka sa aking mga mensahe!

P.S.P.
Paborito ko ito dati kaso naka aypad na ako nyehehehehe


Biyernes, Hunyo 1, 2012

ANG ISTORYA NI LOLO BARBERS: ISANG ALAMAT (IKALAWANG YUGTO)


Si Barbers ay tinuli sa pamamagitan ng pukpok sa edad na 17. Maso nga ang ginamit sa kanya, ayon mismo sa nagtuli sa kanyang si Tata Lito. Ayon pa dito, nalunok daw ni Barbers ang dahon ng bayabas na ilalagay sana sa kanyang kwan. Pero okay lang naman daw ang lasa dahil may baong asin si Barbers. Pagkahilom ng kanyang kwan at naging ganap nang binata si Barbers, nagsimula na ang hiwagang bumabalot sa kanyang katauhan. Naging sobrang habulin sya ng chicks. Lahat ng dalaga sa kanilang baryo ay kinikilig kapag dumaraan si Barbers. Ang kanyang kakisigan ay kumalat hanggang sa kabilang baryo at naging usap usapan din maging sa kabilang bayan. Ayon sa mga haka-haka, tanging si Tata Lito lang ang nakakaalam kung bakit habulin ng chicks si Lolo Barbers. Pero sa kasamaang palad, pumanaw na rin si Tata Lito matapos na hindi mag survive sa isang operasyon na ginawa sa kanyang ikawalumpung kaarawan. Ang tawag daw sa operation ay circumcision.

Sa dami ng babaeng nahumaling kay Barbers, ang kanyang napili bilang maging asawa ay isang dalagang nagngangalang Balbastra Gregorya Pantalan o Jenny, nickname nito. Hindi kasi katulad ng ibang babae, si Jenny ay napakayumi, balot na balot palagi ang katawan ng baro’t saya kahit mamimitas lamang ng upo. Kaya naman gigil na gigil sa kanya si Barbers, este, giliw na giliw pala. Nakasal sila kahit tutol ang mga magulang ni Jenny. Nagkaroon sila ng limang anak na mayroon nang sari-sariling buhay sa ngayon. Ayon na rin sa kahilingan ni Lolo Barbers, panatilihin na lamang daw pribado ang tungkol sa kanyang mga anak at apo. Samantala, ang pagsasama nina Lolo Barbers at Lola Jenny ay tumagal nang matagal na panahon hanggang sa pumanaw si Lola Jenny.

Ganito iyon, ayon mismo sa kuwento ni Lolo Barbers: noong ikaapatnapung anibersaryo nina Lolo Barbers at Lola Jenny, kumain sila sa isang restawran. Nabulunan si Lola Jenny sa kinain nitong bulalo. Pero hindi ito ang kanyang ikinamatay. Natanggal din ang bara sa lalamunan nito matapos dagukan ni Lolo Barbers. Pagkatapos nilang kumain, umuwi sila sakay ng kalesa ngunit sa kasamaang palad, nahulog si Lola Jenny. Hindi rin ito ang ikinamatay nya. Napilayan lang sya at nakauwi naman. At lumipas pa ang dalawampung taon, natuklasan na lang ni Lolo Barbers si Lola Jenny sa kanilang kama na hindi na ito humihinga. Hindi ito binangungot. Namatay ito dahil sa katandaan.

Sa ngayon, si Lolo Barbers ay isang binata. Pero hindi na siya available dahil may girlfriend na siya, si Natasha: isang Fil-Am na nakilala ni Lolo Barbers pagkatapos niyang ma-wrong number noong nagpadeliver sya sa isang sikat na fast food chain. Naging phone pals sina Natasha at Lolo Barbers ng tatlong buwan hanggang sa magkayayaan silang mag-date. Sa Baywalk dinala ni Lolo Barbers si Natasha para manood ng fireworks display. Sa kalagitnaan ng putukan at pailaw, tinanong ni Lolo Barbers si Natasha, “Hey Natasha, that is very beautiful right? Tayo na ba?”. Sumagot naman si Natasha nang “Oh yes!”. At magmula noon, naging syota na ni Lolo Barbers si Natasha. Going strong daw ang kanilang relasyon pero wala pa sa isip nila ang pagpapakasal.

Pagdating naman sa karera (career ha, hindi ng kabayo), si Lolo Barbers ay maaaring tawaging “jack of all trades”. Ibig sabihin, halos lahat na yata ng larangan ay pinasok nito. Valedictorian sya nang magtapos ng elementarya. Walong taon sya sa high school dahil ayon sa kanya, gusto nya daw matutunan ang lahat ng detalye ng kanyang mga aralin. Pero may mga haka-haka rin na nagka-cutting classes kasi sya kaya lagi syang pabalik balik ng year level. Pagtungtong naman ng kolehiyo, nag aral ng medisina si Lolo Barbers. Pagkatapos ng tatlong taon, nag shift sya sa Law. Nang malapit nang matapos ng Abogasya, napagtanto nyang hindi para sa kanya ang pagiging abogado. Kaya naman nag shift sya sa Astronomy dahil pangarap nyang maging astronaut. Matapos ang isang taon, natuklasan nya na mahal pala ang gamit ng mga astronaut kaya itinigil na nya ito. Nag-aral na lang sya ng Mechanical Engineering pero pagkatapos ng isang taon, lumipat na lang sya ng Architecture dahil mahilig din syang mag-drawing. Hindi na sya nag board exam dahil napanaginipan nya na ang kurso pala na para sa kanya ay Philosophy. Pilosopo kasi sya. At tinapos nya ito sa loob lamang ng isang taon. Sobrang bilib ng kanyang mga propesor kaya accelerated sya sa lahat ng subjects nya. Wala kasing manalo sa kanya ni isang propesor pagdating sa debate. Wala namang reklamo ang mga magulang ni Barbers dahil self-supporting ito noong nag-aaral. May sarili kasing business si Lolo Barbers noong binata pa lamang ito. Hanggang ngayon, patok na patok at mabentang-mabenta pa rin ang kanyang itlog. May kwek-kwek stand kasi siya at hindi ito nauubusan ng customers. May mga usap-usapan na biniyayaan si Lolo Barbers ng anting-anting ng isang ermitanyo na siyang dahilan kung bakit swerte ang kanyang negosyong itlugan.

Subalit dahil na-bored na si Lolo Barbers sa kanyang itlog, este, sa kanyang kwek-kwek-an, pinatauhan na lamang nya ang kanyang negosyo at sinubukang mag-audition bilang DJ sa 93.9iFM. Narinig kasi nya na naghahanap ito ng bagong disc jockey kaya sinubukan ang kanyang swerte. Pagdating sa istasyon, may nakita syang isang babaeng kagagaling lamang sa audition na umiiyak. Hindi pala ito nakapasa. Kinausap ito ni Lolo Barbers at maya-maya pa ay humahalakhak na ang babae. Nakita iyon ng station manager ng 93.9iFM at kinausap si Lolo Barbers. “Ikaw ang hinahanap namin Lolo! Kukunin po naming kayong  DJ”. “Bakit, dahil ba sa ako’y gwapo? Hindi ko yata matatanggap na dahil lamang sa pisikal kong katangian kung kaya ninyo ako tatanggapin!”, ang sagot ni Lolo Barbers. Sabi ng station manager, “Hindi po, Lolo, kaya ninyo po kasing magpatawa ng tao kahit umiiyak na. Dahil po dito, hired na po kayo”. Ang sagot ni Lolo Barbers: “Weh, ilong mo may asin!”.

P.S.

Ang pangalan nga pala ng babaeng umiiyak at pinatawa ni Lolo Barbers ay Geraldine. Sya ang babaeng pinaghihinalaan ni Natasha na ka-fling ni Lolo Barbers. Pero walang katiyakan kung totoo nga ito.

P.S.2

Ilagay mo na ang email mo sa itaas na bahagi ng blog na ito sa bandang kaliwa para mapadalhan ka ng mga espesyal na mensahe mula kay Lolo Barbers. Wag mong sabihing hindi mo makita kung saan mo ilalagay ang email mo, gamitin mo lamang ang iyong mata.

P.S.P.
Dating paboritong laruin ni Lolo Barbers pero di na ngayon. May ipad na sya. Ipad10. Hindi pa ito nailalabas sa US, wag mo akong tanungin kung saan nakabili si Lolo Barbers dahil hindi ko rin alam --(editor)

Martes, Mayo 29, 2012

ANG ISTORYA NI LOLO BARBERS: ISANG ALAMAT



Si Lolo Barbers ay ipinanganak noong panahon ng mga hapon. O panahon yata ng mga Amerikano yon. Basta hindi masyadong sigurado dahil maging siya ay hindi rin tiyak kung anong taon nga ba siya ipinanganak. Sanhi rin siguro ng katandaan o baka sinadya rin nya na kalimutan na kung ilang taon na nga ba talaga siya.

Ipinanganak si Lolo Barbers sa Calamba, Laguna, alas-dose ng hatinggabi sa loob ng isang kubol sa tuktok ng isang bundok. Normal delivery siya pero 10 pounds sya nang lumabas. Nasa loob pa lang kasi ng tiyan ng kanyang inang si Barbara ay lumalaklak na siya ng gatas. Kung paano nangyari iyon e hindi ko rin alam, kwento lang sa kin iyon ng kumadronang nagpaanak sa kanya, si Aling Chona na pumanaw na matapos tumalon sa 5th floor ng isang mental hospital dahil nalunok daw nya ang bato ni Darna.

Pagkalabas pa lang ni Baby Barbers ay alam na ng kanyang amang si Bersologo na espesyal ito. Imbes kasi na umuha, kumanta ito ng kanta ni Ruben Tagalog. Luma na kasi kaya hindi na rin matandaan kung anong kanta yon. “Kelangan na espesyal din ang kanyang pangalan”, sabi ng tatay nyang si Bersologo. “Ikaw na ang magdesisyon kung ano”, sabi ng nanay niyang si Barbara. “Barbers!”, sabi ni Bersologo, “para hango sa pangalan nating dalawa!”. Ayan, alam mo na kung saan galing ang pangalan ni Lolo Barbers.

May mga kwento ang mga nakatatandang kapitbahay ni Lolo Barbers na noong sanggol pa lamang ito ay may kakaibang katangian na. Isang gabi raw kasi, dumalaw ang isang tiktik (search mo sa Google kung hindi mo alam yung tiktik ha, hindi yung tabloid). Dumapo ito sa bubong na pawid ng bahay nina Barbers at inilabas ang pagkahaba-haba nitong dila, pababa sa papag na kinahihigan nina Barbers at ng kanyang natutulog na ina. Nanlaki ang mata ng tiktik dahil hiniklat ni Baby Barbers ang dila nya at ginawang baging, nag-ala Tarzan ito, naglambitin paikot ng kanilang kwarto. At nang magsawa, binitawan ni Baby Barbers ang dila ng tiktik na dali-daling tumalilis at hindi na bumalik pa.

Noong si Barbers ay 10 taong gulang na, nahilig itong mamapak ng asin. Hindi pa kasi uso ang junk foods noon kaya wala pang pwedeng ngatain na chichirya. Palagi syang may dalang asin sa kanyang bulsa kahit saan sya magpunta. Isang araw, nalibang sa paglalaro si Barbers kaya ginabi na ito ng uwi. Ayon sa kwento ng mga nakakakilala kay Lolo Barbers, habang naglalakad daw ito noon pauwi ay may nakitang kalahating katawang pang-ibaba ng isang babae. Hindi pa rin matiyak kung paano nalaman ni Barbers na babae nga ang may-ari ng katawan, gayong hindi naman nakasuot ng palda ang kalahating katawan ng babae. Anyway, ayon din sa kwento, nang lapitan ni Barbers ang kalahating katawan ay may narinig siyang pagaspas na mula sa animo’y higanteng paniki: isang manananggal! Sinugod nito si Barbers na noon ay ngumangata ng asin na biglang nagsalita, “sa ‘yo ba tong katawan, ate? Wala akong ginawa dito promise!”, sabay tapik sa lamanloob ng kalahating katawan. Puro asin ang kamay ni Barbers kaya may ilang pirasong nalaglag sa lamanloob ng katawang pang ibaba ng manananggal. Bigla na lang humiyaw ang manananggal at nag crash landing sa puno ng mangga.

Natuklasan ni Barbers na asin pala ang weakness nito, kaya naman dumukot pa sya ng maraming asin sa kanyang bulsa at ibinudbod sa pang ibabang katawan ng manananggal na lalong namilipit sa sakit. Maya-maya pa, hindi na gumalaw ang manananggal. Dali-daling umuwi ang batang Barbers at pagpasok sa kanilang kubol, sumigaw ito ng “Tatang, nakapatay ako ng manananggal!”. Sumagot naman ang tatay ni Barbers, “Hoy, ilong mo may asin!”, hindi naunawaan ni Barbers ang ibig sabihin ng kanyang ama. Ang hindi nya alam, nawala sa kanyang isip na habang nananakbo sya pauwi ay nangulangot sya. At dahil puno ng asin ang kanyang kamay, merong naiwan sa kanyang ilong. Pero dahil hindi nga na-gets ni Barbers ang ibig sabihin ng kanyang ama, napag isip isip nya na kapag may isang bagay kang ayaw paniwalaan, ang dapat mong sabihin, “Ilong mo may asin!”.

----------------------------------------------------------
ABANGAN ANG IKALAWANG YUGTO NG ISTORYA NI LOLO BARBERS